Hindi ko na maalala kung kailan ko isinulat ito. Natatandaan ko lang na gawa ito ng isang Huwebest na kausap ko ang isang mabuting kaibigan. At ito'y para sa kanya.
********
Nilalaro mo ang iyong damdamin
Katulad ng isang yoyo
Kusa mong ibinabato upang kalimutan
Subalit dagli mo naman hinahabol
Nang hindi tuluyang makawala
Paulit-ulit lang ang takbo
Nang iyong pakikipaglaro
Bato, habol, bato, habol
Kahit alam mong nakakapagod
Paulit-ulit lang ang takbo
Bato, habol, bato, habol
Ngunit wala ka namang magawa
Wednesday, April 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment