Sa isang buntong hininga
Ika'y tunay na nakilala
Doo'y nasilip
Bahagi ng nadarama
Katauhang nagkukubli
Sa mga nagdaang panahon
Sa isang pagkakataon
Ay biglaang umahon
Damdaming pilit binabao'y
Unti-unting binubuhay
Nitong hindi maunawaang
Tila nalalapit na pagsinta
Sa isang buntong hininga
Muling pinaligaya
Binigyan ng pag-asang
Lubos pang makikilala
Hindi man alam saan
Ang siyang huling hantungan
Puso'y sasabay, aayon
Sa bawat buntong hininga
Tuesday, February 26, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment